dan & blair in the year 2011 → 4x16 While You Weren’t Sleeping
Because I adore Dan and Blair duo to death. They have this undeniable chemistry and fireworks are everywhere whenever I see them.
(via peacelovelafferty)
Di mo naman kailangang libutin ang mundo para mahanap ang true love mo. May address naman ako. Gusto mo ibigay ko?

My Laptop’s wallpaper.
Hindi pa din ako nakakaget-over sa The Hunger Games at kay Josh Hutcherson. Yan tuloy, pati desktop ng laptop ko nahawa.
Si Josh Hutcherson nga pala, ang gaganap na Peeta Mellark a.k.a. the boy with the bread sa The Hunger Games. Bata palang sya crush na crush ko na sya eh. Simula sa Zathura hanggang Bridge to Terabithia, at Journey to the Center of the Earth. Isama mo pa ang Cirque Du Freak: Vampire’s Assistant at The Kid’s are Alright. Lahat ng movies niya, napanood ko na.
Steps Para sa Sawi
#3
Lahat ng tao nagsasawa at napapagod kakahintay. May iba-iba nga lang na tolerances ang bawat tao, pero at one point darating yung oras na marerealize mo kung gaano ka katanga para umasa. Yun ang moment na intayin mo, ang moment na nagsawa ka na sa lahat ng pagpapakamartyr mo. Napakahalaga ng saglit na ito kasi dito mo mapapagtanto kung gaano mo pinabayaan ang sarili mo. At kung gaano ka nagbulag bulagan sa lahat ginagawa niya. Kapag narating mo ang moment na ito, ibig sabihin nasa acceptance stage ka na. Nakalagpas ka na sa denial stage na maaring ang pinakamahirap sa lahat. Narealize mo na, na kailangan mo ng kalimutan sya ng totohan. Sa sandaling ‘to, marahil, tanggap mo na sa sarili mong, kahit kailan, ang wish mo tuwing 11:11 ay hindi magkakatotoo. Congratulations, kasi mahirap makarating sa stage na ito. Ibig sabihin ay desidido ka ng tumino ang buhay mo. Sana nga lang ay magtuloy tuloy ka na sa pag move-on at hindi ka na magrewind sa pagiging in denial kapag tinext/kinausap ka niya. Oo, mahirap syang tiisin pero maawa ka sa sarili mo. Wag mong parusahan ang sarili mo kaya pakibura na sya sa utak mo. Kailangan mong marealize na mas makakabuti sayo pag wala na sya sa buhay mo.
(via euphorianights)
Steps Para sa Sawi
#2
Hindi madaling magmove-on. Alam nating lahat yang sobrang nakakabitter na katotohanan na yan. Hindi ito mangyayari overnight na kapag nagustuhan mong magmove-on eh kinabukasan, ayos na lahat, na parang walang nangyari. Sana nga, ganun na lang kadali nang walang mga emo at mababawasan ang suicidal rate natin dito sa mundo kaso, hindi. Ang pag move-on ay isang napaka habang proseso. Unti-unti mong tanggapin ang tragic na nangyari sa buhay mo at kalimutan mo sya hanggang sa makakaya mo. Wag ka ng mareminsce ng mga tweetums at kamutan moments mo dahil lalo ka lang magiging bitter. Law of attraction kumbaga. Kapag mas lalo mong inisip na magmomove on ka, mas magagawa mo. Kaunting tiis lang, makikita mo, makakaya mo na ulit ngumiti at makita sya nang hindi nagmumukhang ampalaya ang facial expression mo.




