Posts tagged Buhay nursing student.

Hindi biro ang pagiging nurse

Marami siguro sa inyo na ang tingin ay ang mga nurse ay assistant lamang ng doktor. Ang persepsyon sa mga nurses na ito ay mali. Bakit? Dahil mas gugustuhin pa naming matawag na assistant ng pasyente kaysa sa assistant ng doktor. Maaring kami ang kadalasan na gumagawa ng mga order nila pero may mga ginagawa din naman kami para mapabuti ang kalagayan ng pasyente independently.

Bakit nga ba ako nagpopost ng ganito? Narealize ko lang kasi kaninang madaling araw na hindi biro ang pagiging nurse. Nag night duty kasi ako sa Operating room kagabi ng 6pm to 6am at buong gabi akong gising. Nung mga bandang 12 midnight na, nagkaroon ng dalawang kaso para sa operasyon. Yung napunta sakin yung emergency craniotomy (brain surgery kasi may bleeding/hematoma). Nandun kami ng isa kong kaklase buong madaling araw habang nagaassist sa mga surgeon.

Isipin niyo na lang, paano na lang kung wala ng mga nurses? Sino na lang ang tutulong sa mga doktor sa pagpapabuti ng kalagayan ng pasyente? Kaming mga nurses, natututo kaming baliwalain ang mga sarili naming pangangailangan (pagkain, pahinga, tulog) para mabantayan at ma-monitor ang aming mga pasyente. Kaya sana, hindi naa-underestimate ng mga tao ang kakayanan naming mga nurse dahil tuwing nasa duty kami, wala kaming ibang gusto kundi ang mapabuti ang sitwasyon ng aming mga pasyente. 

Nagduty ako kanina sa UST Hospital - Operating Room ng 7AM - 5PM

Tapos hindi kami pwedeng umupo. Nakaya ko ‘to. Strong ako e. Nakapag assist na din ako sa isang surgery. Open Cholecystectomy - surgical removal of gallbladder. Para ito sa mga pasyenteng may gallstones. Sobrang fulfilled lang yung feeling ko ngayon. 

Wala akong kasabay sa LRT kanina, ang dami ko tuloy napagtanto

Kanina, habang nakasakay sa LRT, di ko mapigilang isipin na ano ang susunod kong gagawin pagkatapos ko magaral ng Nursing at makapasa ng board exam. Hindi lingid sa kalaaman nating lahat maraming nursing graduates sa Pilipinas ang pinapasok ang mga trabahong hindi naman related sa pinagaralan nila (call center) at ang mas masaklap, libo libong nursing graduates ang walang trabaho. Kaya sabi ko sa sarili ko, “dadagdag nalang ba ako sa mga registered nurses na mga ito na walang trabaho?” Masakit tanggapin na pwede ngang mangyari iyon, kahit na maging graduate ako ng isa sa mga top schools sa Nursing, hindi kasiguraduhan yun na may nagiintay saking trabaho. Nag-isip ako ng nag-isip habang nakaupo sa isang tabi sa tren. Ano kayang magiging trabaho ko pag nakatapos na ako? Maraming pangarap ang sumanggi sa isip ko at ito sila:

  •  Operating Room nurse – Sila yung mga nurses na naghahanda sa pasyente sa loob ng operating room. Tumutulong sila sa anesthesiologist,  nagaabot ng surgical instruments sa surgeon, nagaasess ng kalagayan ng pasyente habang nagooperasyon at naghahatid sa pasyente sa recovery room.
  •  Nursery / Neonatal Intensive Care Unit – Nung unang beses ko magduty sa nursery nung 2nd year ako, ibang klase yung sayang naramdaman ko. Kapag kasama mo yung mga batang bagong panganak, makakalimutan mo problema mo. Para silang mga anghel na puro good vibes ang dala. Hindi ko alam pero sa lahat ng napuntahan kong area sa mga ospital, sa nursery ako pinaka nagenjoy. Maaaring dahil natutuwa talaga ako sa mga bata at mahaba ang pasensya ko sa kanila.
  •  Clinical Instructor – Sila yung mga professors na kasama ng mga nursing students sa duty. May nakapagsabi sakin dati, “bakit di ka nalang nag education? Parang bagay ka maging prof.” Kung bibigyan ako ni Lord ng pagkakataon, gusto ko talagang maging Clinical Instructor/CI. Masasabi ko kasing, mas mageenjoy ako magturo kaysa sa maging nurse sa ospital mismo.

Pero parang pinakamatimbang ata itong pangarap na ito:

  •  Doctor / Itutuloy ko sa Medicine ang Nursing – Hindi ko malista ang mga dahilan kung bakit ko gusto magMed pero alam ko lang talaga na gusto ko. Hindi ko naman pinangarap nung bata pa ako na maging doctor e, pero unti unti ko syang ginusto at pinangarap. Kung ako papipiliin ng specialty, maaring Pediatrics o Cardiology. Pediatrics kasi, mahilig nga ako sa mga bata. Nawawala pagod ko pag sila yung pinagsisilbihan ko. Cardiology naman kasi, ano nga ba? Basta, yung thought palang ng heart natutuwa na ako. Anatomy and physiology palang kasi na lesson nung 1st year, sa heart na ako pinakainteresado e.

Ang dami kong gusto, ang hirap tuloy mamili. 

Ang aga-aga homeworks inaatupag ko. Nakakajirits.

Eh kasi ang daming pinapapasa na paperworks nung Clinical Instructor ko sa duty. 

Per patient:

1 Nursing history (Uusisain mo lahat ng pwede mong malaman sa pasyente, physically, mentally, socially, emotionally, spirituality)

1 Health Assessment (Head to toe assessment)

1 Nursing care plan (Anong dapat mong gawin para gumaling/bumuti kalagayan ng patient mo)

1 Drug Analysis (lahat ng gamot ng patient)

1 Patho-physiology (Pano na develop ang sakit at ano ang pwedeng maging epekto sa pasyente)

1 Discharge teachings 


Eh dalawa yung pasyente ko so bale dalawang set nung pinapagawa nya yung gagawin ko. Sana lang matapos ko ‘to ngayong araw. Nangangarap akong matatapos ko ‘to ngayon. Bat kase ang sarap magtumblr.

Nga pala, ang case ng isa kong pasyente, Pyogenic Liver Abscess with Diabetes Mellitus Type 2 and Hypertension stage 1. Yung isa ko namang patient, Cholecystolithiasis with cholecystitis. Parang tongue twister lang.

First Day of Nursing Week

November 18, 2010 - Today is the first day of the Nursing week in UST. It was fuuuuun. I thought it’s gonna be boring and all that ‘coz I’ve got nothing to do (I didn’t join any event). Turns out I was completely wroooong. I really had fuun. November 18, 2010 is really an awesome day.

I arrived at UST 9:00 AM. Then kwentuhan with 2nd year friends and blockmates sa Med Caf. It was 10:00 AM when we went sa  Pasta Plate to eat our brunch. 11:00 AM we went back to Med building to check on our blockmates na kasama sa Centerstage (2nd year competition). Pagdating namin dun, THEY LOOK SO FREAKIN AWESOME! Ang fierce ng dating e. I helped in styling their hair. Then I took some photos with them. Before leaving the room, we prayed to God all together to guide them execute their routine well. 

It was almost 12:30 when we went to Medicine Auditorium to watch our batchmates. All of the performances were great! But of course, I want my section 2-7 to win. I hope they will win. They executed their steps beyond what we expected, I mean they were so GALINGGGG! Synchronized sila for the whole routine. \:D/ I really do hope na manalo sila. :-bd I never thought na yung mga Sophomores na sumayaw kanina that were shakin’ all what they got ay yung mga taong sobrang mukhang anghel kahapon sa Capping. Talk about versatility. ANG GALING NILA! THEY ALL ROCK!

After the Centerstage was the Vaudeville. It was a musical play by the Juniors. It was also a competition, I think? From the props and costume to the singing and acting, super galing! Sobrang effort sila! Well, their efforts paid-off. All of the performances were superb! There were 5 musicals inspired by the Disney movies. First was the Beauty and the Beast then Hercules followed by Aladdin and The Little Mermaid. The last was Mulan which I wasn’t able to watch kasi super late na. :( Aladdin and The Little Mermaid were my favorites! Kahit alin dyan manalo okay lang. :-bd

Overall, this day went great! Sana bukas din! :)